Handa nang bumiyahe ang Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw na ito pa Russia para sa ikalawang State visit sa nasabing bansa.
Nakatakdang magtungo ang Pangulo sa Moscow at Sochi City.
Magiging highlight ng Russian trip ng Panguo ang bilateral meeting kay President Vladimir Putin.
Inaasahan din ang paglagda sa mga kasunduan na may kinalaman sa kooperasyon sa kultura, kalusugan at basic research.
Magbibigay din ng talumpati ang Pangulo sa plenary session ng Valdai discussion Club sa Huwebes at sa Moscow State Institute of International Relations sa Sabado.
Tatapusin ng Pangulo ang kaniyang state visit sa pamamagitan nang pagharap sa Filipino community.
Sinabi ni Senador Christopher Bong Go na layon ng pagbisita ng Pangulo na mapaganda pa ang relasyon ng pilipinas at Russia.
Magugunitang napaaga ang uwi ng Pangulo sa kaniyang unang state visit sa Russia dahil sa Marawi siege.
Bahagi ng delegasyon ng Pangulo ang mga kalihim ng DFA, DOF, DTI at DND.
Ang Pangulo ay sasakay sa isang chartered flight na unang beses simula nuong nakalipas na taon matapos gumamit ng private plane sa kaniyang mga biyahe.