Magdadala pa rin ng kalat-kalat na mahihina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan ang Bagyong ‘Onyok’ sa Batanes area.
Ang sentro ng Bagyong ‘Onyok’ ay pinakahuling namataan sa layong 695 kilometro hilaga ng Basco, Batanes.
10:30 p.m. kagabi nang makalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong ‘Onyok’.
Napanatili ng Bagyong ‘Onyok’ ang lakas ng hanging umaabot sa 140 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at may pagbugso na umaabot sa 170 kph.
Ang Bagyong ‘Onyok’ ay kumikilos sa bilis na 30 kph pa-hilaga.
Samantala, sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay makakaranas ng maaliwalas na panahon at posibilidad lamang ng mga panandaliang pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.
Sinabi ng PAGASA na nakataas pa rin ang gale warning kaya’t mapanganib pa ang paglalayag sa mg baybaying dagat ng Batanes, Calayan, Babuyan, Cagayan, Isabela at Northern Coast ng Ilocos Norte.