Ipinatupad na ng mga kumpanya ng langis ang dagdag presyo sa Liquified petroleum gas products ngayong unang araw ng oktubre.
Epektibo kaninang 12:01 ng hating gabi ang P4.50 taas presyo sa kada kilo ng LPG o katumbas ng P49.50 sa kada 11 kilong tangke.
Habang P2.50 naman ang omento sa presyo ng kada litro ng auto LPG.
Ayon sa mga kumpanya ng langis, ang taas presyo ay bunsod ng paggalaw sa international contract price ng LPG para sa buwan ng Oktubre.
Samantala, sisimulan naman ng ilang mga kumpanya ng langis mamayang alas sais ng umaga ang rollback sa presyo ng gasolina, diesel at kerosene.
Batay sa magkakahiwalay na anunsyo ng mga kumpanya ng langis, maglalaro sa P1.45 hanggang P1.55 ang tapyas sa presyo ng kada litro ng gasolina.
.50 hanggang .70 bawas naman sa presyo ng kada litro ng diesel at P1 sa kada ltro ng kerosene.
Nauna namang nagpatupad ng rollback ang mga kumpanyang Phoenix Petroleum at Cleanfuel noong Linggo.