Dumarami umano ang mga barangay sa Quezon City na sinasabing apektado ng ASF o African Swine Fever.
Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, sa Barangay Tatalon, 62 mula sa 82 baboy sa lugar ang pinatay nila dahil sa ASF.
Sa Barangay Pasong Tamo, nakitaan na rin ng sintomas ang ilang baboy kaya’t pinatay na ang mga ito.
Sinabi ni Belmonte na mismong ang mga nag aalaga ng baboy, sa tulong na rin ng barangay officials na katayin na ang ilang baboy sa lugar.
Una nang idineklara ang Barangay Bagong Silangan na ground zero ng ASF ang lungsod kung saan halos 800 sa 900 baboy sa lugar ang ipinapatay na dahil sa ASF.
Ilang baboy na rin ang pinatay sa Barangay Payatas dahil sa pagtataglay ng hinihinalang ASF.