Walang Pilipino ang nasugatan sa magnitude 6.8 na lindol sa Chile.
Ayon ito sa Department of Foreign Affairs o DFA matapos makakuha ng official report mula kay Ambassador to Chile Maria Teresita Daza base na rin sa pakikipag ugnayan ng Philippine authorities sa mga lider at coordinator ng Filipino communities doon.
Ipinabatid ng DFA na mayroong halos 900 Pinoy migrants sa Chile.