Pina-i -mbestigahan sa Kamara ang posibleng pagma manipula sa presyo ng oil products ng mga kumpanya ng langis.
Sa inihaing resolusyon ni Marikina City Congresswoman Stella Quimbo, dapat malaman ang dahilan nang biglaang pagsipa ng presyo ng langis noong nakalipas na linggo.
Ito ayon kay Quimbo ay gayung inihayag ng oil companies sa Senate Committee on Energy hearing na sapat ang kanilang supply at handa ring bumili ng langis sa ibang bansa maliban sa Gitnang Silangan para hindi maapektuhan ng drone attack sa oil facility ng Saudi Arabia ang presyuhan nito.
Isa rin sa tinukoy ni Quimbo na dahilan ng pagtaas ng presyo ng langis sa bansa ay ang hindi tamang paggamit ng pricing formula ng DOE.
Batay sa DOE memorandum circular, dapat ay mayroong imbentaryo ng supply ng oil companies para sa minimum na 15 araw samantalang ang lahat ng refinery ay kailangang may minimum namang pang 30 araw na supply.
Sa ilalim ng pricing policy ng DOE, may go signal ang oil companies na mag adjust ng kanilang gasoline prices kada linggo na ayon kay Quimbo ay hindi nakakabuti sa consumer dahil maaaring kada linggo ay gumalaw ang presyo ng oil products kahit hindi naman lingguhan bumibili ng langis ang mga kumpanya ng langis sa ibang bansa.