Pumalo na sa mahigit 78,800 ang tinamaan ng dengue simula Enero 1 hanggang Setyembre 5
Kumpara ito sa mahigit 67,600 dengue cases sa kaparehong panahon noong isang taon.
Ayon sa Department of Health (DOH), pinakamaraming naitala sa CALABARZON na halos 12,000 kaso; na sinundan ng Central Luzon na mahigit 11,800 at National Capital Region na tinaya sa 8,000.
Nagbabala naman ang DOH sa pagbibigay ng aspirin sa mga dengue patient dahil maaari nitong mapalala ang internal bleeding.
Isinulong naman ng kagawaran ang “4-S strategy” kontra dengue o Search and Destroy ng mga posibleng breeding site ng mga lamok; Self-Protection measures; Seek Early consultations at Say “Yes” sa fogging na may kasamang insecticide kung nagbabadya ang outbreak ng sakit.
By Drew Nacino