Nanindigan ang ilang grupo ng hog raisers at processed food makers na ligtas kainin ang kanilang mga produkto.
Paliwanag ni Philippine Association of Meat Processors Incorporated (PAMPI) President Felix Tiukinhoy, ang mga processed meats ay iniluluto sa init na 121 degrees celsius kung saan namamatay ang mga virus.
Ayon naman kay Meat Importers and Traders Association (MITA) President Jesus Cham, nakukuha lamang ang ASF virus sa mga smuggled na baboy.
Matatandaang ilang lugar na sa Pilipinas ang nagbawal ng pagpasok ng mga produktong karne mula sa mga lugar sa Luzon dahil sa banta ng ASF.