Naghahanda na ang sektor ng transportasyon para sa paparating na holiday rush.
Inabisuhan na ni Manila International Airport Authority (MIAA) ang mga airline companies na sundin ang nakatakdang departure at arrival ng kanilang mga flights.
Ito aniya’y para maiwasan ang congestion sa paliparan ngayong holiday season.
Samantala, magdadagdag naman ng biyahe ang Philippine National Railway (PNR) simula sa 15 ng Nobyembre.
Mas mahaba na rin ang operasyon ng PNR na mula sa kasalukuyang ika pito at kalahati ng gabi ay magiging alas otso at kalahati na ng gabi ang huling byahe nito.
Matatandaang tuwing sumasapit ang ber months ay inaasahan na ang mas mabigat na daloy ng trapiko.