Pinate-take over ni Bagong Henerasyon Party-list Representative Bernadette Herrera-Dy sa National Bureau of Investigation (NBI) ang mga kaso ng hazing sa mga paaralan.
Sinabi ni Herrera-Dy na hindi mabibigyan ng hustisya ang mga biktima at pamilya ng mga ito hanggang hindi natatapos ang internal investigations na mga nasabing kaso kabilang ang pagkamatay ni Philippine Military Academy (PMA) Cadet Fourth Class Darwin Dormitorio.
Hinimok naman ni Herrera-Dy ang Commission on Higher Education (CHED) na magtakda ng benchmark working deadline para sa lahat ng hazing investigations sa lahat ng higher education institutions.
Sa ngayon aniya ay dapat nakapagrequest o nakakuha na ng electronic data at cybercrime evidence ang CHED, National Privacy Commission at Department of Justice mula sa social media accounts ng lahat ng mga taong sangkot sa hazing cases.