Tuluy tuloy ang pagtalakay sa panukalang federal constitution.
Tiniyak ito ni DILG Spokesman at Undersecretary Jonathan Malaya na nagsabing hindi pa tapos ang pagtalakay ng Inter Agency Task Force on Federalism and Constitutional Reform na binuo ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil dito.
Ito aniya ang dahilan kaya’t hindi pa maaaring simulan ang kampanya para sa federalismo.
Sinabi ni Malaya na hindi pa nagkakasundo ang mga kasapi ng task force sa probisyon ng aniya’y puno commission draft.
Ang nasabing task force ay pinangungunahan ni DILG Secretary Eduardo Año bilang chairperson kasama si Justice Secretary Menardo Guevarra bilang vice chairperson.