Pina aaresto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 19 na convict na sangkot sa karumal – dumal na krimen na napalaya sa ilalim ng GCTA o Good Conduct Time Allowance.
Ayon kay Philippine National Police o PNP Spokesman Brig. Gen. Bernard Banac, 19 convict ay bigong sumuko sa ibinigay na 15 araw na ultimatum ng punong ehekutibo.
Kaugnay nito, bumuo na ang PNP ng tracker team para sa ikakasang search and arrest operations laban sa naturang mga convict.
Matatandaang natapos noong Setyembre 19 ang ultimatum na ibinigay ni Pangulong Duterte para sumuko ang mga bilanggong nakinabang sa GCTA.