Nagsagawa ng misting operation ang mga kawani ng Makati Health Department sa ilang barangay sa lungsod.
Ito ay upang maiwasan pa ang pagdami ng mga lamok lalu’t patuloy pa rin ang nararanasang pag-ulan sa bansa.
Ayon sa Makati City Health Department, partikular na tinutukan ng kanilang misting operation ay ang mga barangay ng Guadalupe Nuevo at Comembo.
Layunin anila nito ang sirain ang mga lugar na pinangingitlugan ng mga lamok na may dalang dengue virus at iba pang sakit.
Kasabay nito, kanila namang hinikayat ang mga residente ng Makati na ugaliin ang paglilinig sa kanilang mga bahay at kapaligiran upang mapigilan ang pagdami ng lamok.