Naipamahagi na ng Department of Health (DOH) ang nasa P3.54-B halaga ng mga nakaimbak na mga gamot.
Ito ay matapos madiskubre ng Commission on Audit (COA) ang nasa P18.49-B halaga ng overstocked na gamot at nakaimbak lamang sa warehouse ng DOH simula noong 2018.
Ayon sa DOH, nahuli ang pag-account sa mga nabanggit na gamot dahil hinintay pa nilang maisumite ng kanilang kinuhang third party logistics providers ang lahat ng mga kinakailangang transit receipts at iba pang dokumento.
Dagdag ng DOH, naipagsama-sama at naitala na rin nila ang nasa P12.22-B halaga rin ng iba mga overstocked na gamot noong August 31.
Nasa warehouse na din ng DOH at Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ang iba pang kagamitang pangkalusugan na nagkakahalag ng halos P3-B.
Tiniyak naman ng DOH na kanila nang isinasaayos ang paraan ng pamamahagi ng mga gamot at kagamitan sa pamamagitan ng pagkuha ng electronic logistics management information system.