Iginiit ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na walang security lapses sa naganap na pagdukot sa 3 banyaga at 1 Pinay sa isang resort sa Samal Island, Davao del Norte.
Ayon kay Armed Forces of the Pgilippines (AFP) Spokesperson Col. Restituto Padilla, isolated case lamang ang naganap na pagdukot ng hindi bababa sa 11 armadong kalalakihan sa dalawang Canadian nationals, isang Norweigan national at isang Pinay.
Sinabi ni Padilla na ngayon lang nagkaroon ng ganitong insidente sa Samal Island, dati may mga pagtatangka pero napipigilan naman ng mga otoridad.
Bukod dito, kilala din ang Davao na isa sa pinakaligtas na lugar sa bansa.
Dahil sa naganap na pagdukot, may binuo ng “Task Force Samal” na pinamumunuan ni Col. Larry Mojica at Task Force Davao na pinamumunuan naman ni Col. Cristobal Zaragosa na nagsasagawa ng regular na pagbabantay sa lugar.
Ang pagbuo ng task force Samal at Davao ay bilang augmentation force o karagdagang pwersa sa pulisya at militar na naka-deploy sa mga tourist spots ng lalawigan.
By Meann Tanbio | Jonathan Andal