Pumangatlo ang Maynila sa mga syudad na may pinakamababang kalidad ng pamumuhay.
Batay ito sa datos ng Deutsche Bank na inilathala naman sa Twitter page ng World Index.
Nanguna sa mga syudad na may pinakamababang kalidad ng pamumuhay ang Lagos sa Nigeria at pangalawa ang Beijing sa China.
Kasama rin ang Dhaka sa Bangladesh, Jakarta sa Indonesia, Mumbai sa India, Rio De Janeiro sa Brazil, Cairo sa Egypt, Shanghai sa China at Sao Paolo sa Brazil.
Samantala, ang mga syudad naman na nag-aalok ng pinakamataas na kalidad ng pamumuhay ang Zurich, Wellington, Copenhagen, Edinburgh, Vienna, Helsinki, Melbourne, Boston, San Francisco at Sydney.