Ipinanukala ng Department of Energy o DOE na magbigay ang gobyerno ng libreng charging stations para sa mga electric o e-vehicles.
Ito ang naging suhestiyon ng DOE sa naging pagdinig ng Senado sa mga suhestiyon kung paano mabibigyan ng incentive ang mga lilipat sa e-vehicles mula sa mga sasakyang gumagamit ng langis.
Ayon kay DOE Director Patrick Aquino, mayroon nang listahan para sa mga establisyementong magbibigay ng libreng charging stations.
Bukod sa free charging ay nais ding bigyan ng DOE ng free parking, exception sa number coding at ano mang traffic management scheme at five – year registration.