27 mga libreng Wi-Fi stations ang sabay sabay na binuksan ng Department of Information and Communications Technology o Wi-Fi sa ilang lugar sa bansa.
Ayon kay DICT Secretary Gregorio Honasan, mayroong bilis ang magagamit na internet na umaabot sa 30 Megabits Per Second o MBPS.
Kabilang sa mga unang nakinabang sa libreng Wi-Fi connection ay ang Dagupan City; Tuguegarao City; Mabalacat City; Morong, Rizal; Victoria, Oriental Mindoro at ilan pang lugar sa Visayas at Mindanao.
Target ng ahensiya na makapagpatayo ng mahigit 8,000 pang mga free WiFi sites bago matapos ang taon.