Nakaamba ang pagtaas ng presyo ng ham at noche buena products habang papalapit ang kapaskuhan.
Ayon sa Department of Trade and Industry o DTI, humirit ng hanggang sampung pisong dagdag presyo ang mga manufacturer ng ham dahil sa mataas na presyo ng imported meat.
Samantalang, tatlo hanggang sampung porsyento naman ang nais na itaas ng mga noche buena item manufacturer dahil sa pagtaas ng presyo ng imported packaging materials.
Sinabi naman ng DTI na pag aaralan nilang mabuti ang hirit na taas presyo para masigurong magiging patas ito sa mga mamimili at sa mga negosyante.