Tuloy ang nakatakdang pagcommute bukas ni Presidential Spokesperson Atty. Salvador Panelo matapos itong hamunin ng ilang grupo.
Ito’y kasunod ng naging pahayag nito na walang ‘mass transport crisis’ sa Metro Manila sa kabila ng aberyang nangyari sa LRT-2.
Basta gawin na lang natin para matapos na,” ani Panelo.
Ayon kay Panelo, gagawin nya ito nang walang media coverage upang maiwasan ang anumang isyu na isa na naman itong uri ng ‘media mileage’ o palabas lamang.
Hindi aniya iaanunsyo kung anong oras at kung saan sya magsisimulang magcommute patungo sa Palasyo ng Malakanyang.
Gagawin aniya ito upang masigurong mararanasan nya rin ang paghihirap ng riding public dahil sa tindi ng trapiko at pagkaantala ng operasyon ng LRT-2.
Pahayag ni Panelo, sasakay rin sya ng mga pampublikong sasakyan nang walang kasamang security o ‘chaperon’.
Nakita niyo na ba akong may security ever since I assumed office in the government? None,” ani Panelo.
Dagdag pa ni Panelo, huli siyang nagcommute, dalawang buwan na ang nakalilipas.