Ipinagbabawal na sa lalawigan ng Cebu ang mga produktong karne sa mga korean stores at restaurants.
Ito ay matapos makumpirma ang kaso ng African Swine Fever (ASF) sa South Korea.
Ayon kay Cebu Governor Gwendolyn Garcia, mayroong hanggang ngayong araw na lamang ang mga may-ari ng naturang tindahan para alisin ang kanilang meat products.
Hiningi rin ni Garcia ang tulong ng Cebu Korean Association para maikalat ang impormasyon.
Kukumpiskahin na ng mga tauhsan ng task force ASF ang mga produktong karne ng baboy oras na makita ito na nakadisplay pagkatapos ng ibinigay na deadline.
Matatandaang una nang ipingbawal sa Cebu noong nakaraang buwan ang pagpasok ng mga produktong karne mula sa ilang lalawigan sa Luzon.