Muling ipinaalala ng Department of Education (DepEd) ang petsa ng semestral break ng mga pampublikong paaralan ngayong taon.
Base sa inilabas na school calendar ng DepEd, magsisimula ang semestral break sa Oktubre 21, Lunes.
Muli namang magbubukas isang linggo pagkatapos ng simula ng sembreak sa Oktubre28, Lunes.
Samantala, nasa pamunuan naman ng private school kung kailan ang idedeklara nilang petsa ng sembreak ng kanilang mga estudyante.