Niyanig ng magnitude 5.0 na lindol ang North Cotabato ngayong umaga.
Makilala, Cotabato niyanig ng magnitude 5 na lindol dakong 9:55 a.m. ngayong Biyernes | via @phivolcs_dost pic.twitter.com/6hZoMkCf1X
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) October 11, 2019
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naramdaman ang naturang pagyanig sa layong 27 kilometro timog-kanluran ng Makilala, North Coatabato dakong 9:55 ng umaga.
May lalim itong 16 kilometers at tectonic ang pinagmulan.
Naramdaman ang Intesity IV sa Kidapawan City habang ang Intensity III naman sa Pikit, South Cotabato.
Bagaman hindi inaasahang magdudulot ang naturang pagyanig ng pinsala sa mga istruktura ay inaasahan pa rin ang mga aftershocks.
Update: Ibinaba naman ng PHIVOLCS sa magnitude 4.9 mula sa magnitude 5.0 ang naitalang pagyanig sa Makilala, North Cotabato.