Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ang Leyte ngayong umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naramdaman ang naturang pagyanig sa layong 5 kilometro timog-kanluran ng Capoonan, Leyte dakong 8:55 ng umaga.
May lalim itong isang kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Naramdaman ang Intensity III sa Capoonan at Carigara habang Intensity II naman sa Kananga, Jaro at Leyte.
Samantala, walang naitalang pinsala sa mga istraktura at wala namang inaasahang aftershocks.