Kinumpirma ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) CALABARZON na water pollution ang dahilan ng fish kill sa Las Piñas at Parañaque.
Ayon kay BFAR CALABARZON Regional Director Sammy Malvas, lumabas sa water quality test na mababa ang lebel ng oxygen at mas mataas naman sa standard level ang amonia at phospates sa dagat.
Ani Malvas, patuloy nilang inaalam ang pinagmulan ng polusyon sa dagat.
Ang phosphate ay siyang pinagkukunan ng nutrition ng algae o lumot at pinaniniwalaang nagmumula sa mga maruruming canal.