Hindi tatantanan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pagbabantay nito sa lahat ng mga lokal na pamahalaan.
Ito’y kahit nag-expire na ang itinakda nilang deadline para linisin ang mga kalsada mula sa mga sagabal sa daan na nakapagdudulot ng matinding daloy ng trapiko sa kani-kanilang mga lugar.
Ayon kay DILG Sec. Eduardo Año, gagawin na aniya nilang quarterly ang pagpapatrolya ng kanilang mga validation team kung saan, ang susunod ay sa buwan ng Disyembre.
Una rito, sinabi ng DILG na aabot sa 97 mga local chief executives ang nakatakda nilang hainan ng show cause order dahil sa kabiguan ng mga ito na sumunod sa naging kautusan ng Pangulo na ibalik ang bangketa sa mga mamamayan.