Walang trade agreement kung walang mga programang tutugon sa usapin ng climate change sa Asia-Pacific region.
Ito ang binigyang diin ni Commissioner Emmanuel de Guzman ng Climate Change Commission na kumatawan kay Sen. Loren Legarda sa Asias Pacific Economic Cooperation forum sa Iloilo.
Dahil nakatutok ang forum sa APEC Framework for Disaster Risk Reduction, sinabi ni de Guzman na dapat tiyakin na natutugunan ng ekonomiya ang mga epekto ng pagbabago ng panahon.
Giit pa ni de Guzman, walang dahilan para hindi makabuo ng kasunduan laban sa mga kalamidad dahil may kakayahan naman ang bawat miyembro ng APEC na bumuo ng trade agreements at trade facilitations.
By: Jelbert Perdez