Bibiyahe patungong Indonesia ang mga abogado at hukom na may hawak sa kasong human trafficking at illegal recruitment laban sa mga recruiters ni Mary Jane Veloso, ang filipina na nasa deathrow sa nabanggit na bansa.
Ito ay upang makuhanan ng salaysay si Veloso na kasalukuyan pa ring nakakulong sa Indonesia matapos na mahatulan sa kasong drug trafficking.
Itinakda ang alis ng mga ito bago ang huling pagdinig sa kaso laban sa mga recuriter ni Veloso na sina Cristina Sergio at Julius Lacanilao sa October 28.
Magugunitang, pinaboran ng Korte Suprema ang kahilingan ni Veloso na tumestigo laban sa kanyang mga recruiters sa pamamagitan ng deposition.