Nagpatupad ng lockdown ang Department of Agriculture o D.A sa ground zero o mga lugar na apektado ng ASF o African Swine Fever sa Bulacan at Pampanga.
Ayon kay Agriculture Spokesperson Noel Reyes, layon nitong mas mapaigting pa ang mga hakbang para sa bio security at makontrol o maiwasan nang kumalat pa ang ASF sa iba pang lugar sa bansa
Una na ring ipinatutupad ng D.A ang 1-7-10 protocol o ang paglalagay ng quarantine checkpoints sa loob ng 1-kilometer radius ng apektadong babuyan;
Surveillance at paglimita sa paggalaw ng mga alagang hayop sa loob ng 7 kilometer radius at pag-aatas sa mga hog owners na nasa loob ng 10 kilometer na agad ireport sa D.A ang anumang sakit na makikita sa mga alagang baboy.
Samantala, binalaan naman ng D.A na kakasuhan ang mga magbababoy na magtatago, magpupuslit o magbebenta ng mga baboy na magmumula sa mga lugar na apektado ng ASF.