Nag-vigil sa harap ng Korte Suprema ang mga taga-suporta nina Vice President Leni Robredo at dating senador Bongbong Marcos.
Para ito sa inaasahang paglabas ng desisyon ng Korte Suprema na tumatayong Presidential Electoral Tribunal (PET) sa protesta ni Marcos laban sa pagkapanalo ni Robredo noong 2016 elections.
TINGNAN: Mga taga-suporta nina VP Leni Robredo at dating senador Bongbong Marcos nag-vigil sa harap ng Supreme Court (SC) kasabay ng inaasahang paglabas ng desisyon ng SC kaugnay sa Marcos-Robredo electoral protest | via @ayayupangco1 pic.twitter.com/imzlyKkkSI
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) October 15, 2019
Sa magkabilang kalsada ng Padre Faura nakapuwesto ang dalawang grupo, samantalang nakabantay naman ang mga pulis sa pagitan ng mga ito.
Dahil dito, magmula pa kagabi ay sarado na sa mga motorista ang Padre Faura mula sa kanto ng Taft Avenue hanggang sa kanto ng Maria Orosa Street.