Nagpatupad ng limitadong operasyon ang Pasig River Ferry Service.
Ang ferry service ay binuo upang maging alternatibong transportasyon sa gitna ng malalang traffic sa Metro Manila.
Gayunman, napag-alaman na mula sa regular na pitong ferry, dalawa na lamang dito ang gumagana.
Dahil dito, limitado na lamang mula Guadalupe hanggang Sta. Ana terminal at hindi muna kasama ang mga terminal sa PUP, Lawton at Escolta.