Pinag-aaralan na ng Skyway Operations And Maintenance Corporation (SOMCO) ang panukalang ibaba ang singil sa toll fee habang ginagawa ang extension ng Skyway.
Dahil sa construction ng Skyway extension ay isinagawa ang isang lane ng Skyway sa may Alabang Viaduct at isang lane ng katabing East Service Road na dahilan ng matinding traffic sa SLEX.
Ayon kay SOMCO President Manuel Bonoan, nakikipag-ugnayan na sila sa Toll Regulatory Board hinggil sa panukalang ibaba o isuspindi ang toll fee.
Gayunman, posible anyang matagalan pa bago ito madesisyunan dahil maraming dapat pag-usapan sa isyung ito.
Sa ngayon anya ay mas nakatutok sila sa pagpapabilis ng proyekto upang kahit paaano ay maibalik sa normal ang daloy ng trapiko sa SLEX bago mag-Disyembre.