Pormal nang inilipat ni Major General Guillermo Eleazar ang pamumuno sa Philippine National Police-National Capital Region Police Office (PNP-NCRPO) kay Brigadier General Debold Sinas.
Ang turn over ay ginanap sa headquarters ng PNP-NCRPO sa Taguig na dinaluhan ng mataaas na opisyal ng PNP lalo na ang mga ‘mistah’ at classmates nina Eleazar at Sinas.
Sa kanyang kanyang talumpati, nagpasalamat si Eleazar sa Pangulong Rodrigo Duterte at sa lahat ng opisyal ng pamahalaan sa tiwala at pagkilala sa kanyang mga nagawa bilang hepe ng PNP-NCRPO.
Ang commitment anya ng mga tauhan at opisyal ng PNP-NCRPO ang naging dahilan upang ituring na ‘best regional office’ ang PNP-NCRPO sa kauna-unahang pagkakataon.
Una nang itinalaga si Eleazar bilang Deputy Chief of Operations, ang ika-apat na pinakamataas na posisyon sa PNP.
Bidding you farewell at this point is not going to be easy, you stood by me when faced the daily challenge of keeping Metro Manila safe —24/7, you never waiver when it demanded results even under seemingly impossible conditions,” ani Albayalde.