Nalulugi ng $100 Bilyon ang mga miyembro ng Asia-Pacific Economic Cooperation o APEC kada taon.
Ayon kay Defense Secretary Voltaire Gazmin, Chairman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, ito’y dahil sa mga nagaganap na kalamidad.
Giit ni Gazmin, ang pagkalugi na ito ng mga bansa sa Asya-Pasipiko ay nagsimula noon pang mga nakaraang dekada.
Ang naturang pahayag ay ginawa ni Gazmin sa APEC forum sa Iloilo na naglalayong makabuo ng Disaster Risk Reduction Framework na maaaring magpatatag sa ekonomiya sa rehiyon.
By: Jelbert Perdez