Mismong si Presidential Security Group (PSG) Commander Gen. Jose Ariel Niembra na ang nagkumpirma na sumemplang habang nagmomotorsiklo si Pangulong Rodrigo Duterte nitong Miyerkules ng gabi.
Ayon kay Niembra, hindi nahulog ang Pangulong Duterte sa kanyang motorsiklo at hindi rin ito bumagsak.
Sumabit aniya sa obstruction ang isang gulong ng isang 3-wheeled motorcycle na gamit ng pangulo habang palabas ng garahe.
Hindi rin aniya mabilis ang patakbo ng pangulo dahil papalabas pa lamang siya.
Samantala, una nang kinumpirma ni Senador Bong Go ang naturang insidente na ipinag-alala ng senador.