Tutol ang mga miyembro ng Makabayan bloc sa panukalang gawing 2 taon ang probationary employment period.
Ayon kay Bayan Muna Partylist representative Ferdinand Gaite, lalabagin lamang ng naturang panukala ang konsepto ng security of tenure para sa mga manggagawa.
Aniya, sobrang tagal ng 24 na buwan o 2 taon para makita ng mga employers kung kaya ba ng isang bagong empleyado ang trabahong ibinigay sa kaniya.
Dagdag pa ng Kongresista, sa ibang bansa ay nasa 6 na buwan lang ang probationary period at walang dahilan para maiba ang Pilipinas.
Mas palalalain lamang ng panukala ang kalagayan ng mga manggagawa ayon kay ACT Teachers Partylist Representative France Castro.
Tinawag din ni Castro itong isang uri ng pagsasamantala sa mga manggagawa.
Matatandaang isinumite ni Probinsyano Ako Partylist Representative Jose “Bonito” Singson Jr. ang house bill 4802 na nagpapahaba ng probational period mula sa kasalakuyang 6 na buwan ay gagawing 24 na buwan.