Nagkasundo na ang Turkey at Estados Unidos na magpatupad ng ceasefire sa Syria.
Ito ay kinumpirma ni United States (US) Vice President Mike Pence matapos ang kanyang pakikipag usap kay Turkish President Recep Tayyip Erdogan.
Aniya, ginawa ang ceasefire para mabigyan ng pagkakataon na mahinahong umatras ang YPG Syrian Kurdish Fighters.
Dagdag pa ng Bise Presidente, tatagal nga 120 oras ang ceasefire para bigyang daan ang pag-atras.
Bukas aniya ang US para makipagtulungan sa Turkey upang mapayapang mapasuko ang mga Kurdish Fighters.
Matatandaang naglunsad ng opensiba ang Turkey matapos ipahayag ni US President Donald Trump na tatanggalin niya ang US troops sa Syrian border.