Siniguro ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mas madaling byahe patungo sa Philippine Arena sa Bulacan.
Ito ay kaugnay ng opening ceremony ng 30th Southeast Asian Games (SEA Games) sa Nobyembre 30, Sabado.
Ayon kay Public Works Secretary Mark Villar, patuloy ang ginagawang konstruksyon ng Ciudad de Victoria interchange na siyang magiging direktang daan papaunta sa Philippine Arena.
Ani kalahim, ang lahat ng 80 lineal meters overpass bridge ay kumpleto na at nagsasagawa na sila ng “round the clock” construction.
Pagkatapos ng SEA Games ay magagamit naman ng motorista ang interchange overpass para sa mas magaan na daloy ng trapiko sa North Luzon Express Way (NLEX).