Isinailalim sa state of calamity ang bayan ng Makilala sa North Cotabato.
Kasunod na rin ito ng matinding pinsalang natamo ng Makilala matapos ang magnitude 6.3 na lindol sa tumama sa Cotabato noong Miyerkules ng gabi.
Ayon kay Makilala Vice Mayor Ryan Tabanay, 63 bahay ang nasira sa kanilang bayan at 24 naman ang mga residenteng nasugatan.
Mayroon din aniyang napinsalang mga simbahan, iba pang istruktura at nagtamo ng minor damage ang kanilang munisipyo.
Layon ng deklarasyon ng state of calamity na magamit ang 5% na calamity fund ng Makilala para matulungan ng mga naapektuhan ng lindol.