Posibleng nagkaroon ng “heat transfer” mula sa bahagi ng Gaisano Mall na unang nasunog patungo sa kabilang parte ng nabanggit na mall sa General Santos City.
Ito ang isa sa tinitignang dahilan ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa muling pagsiklab ng apoy sa Gaisano Mall.
Ayon kay General Santos City Chief Fire Inspector Reginald Legaste, nangyari ang pangalawang sunog sa stock room ng mall kung saan nakatambak ang mga tela at ilang mga madaling masunod na materyales.
Samantala, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng BFP sa insidente.
Magugunitang, nasunog ang Gaisano Mall matapos yanigin ng magnitude 6.3 na lindol ang Mindanao noong Miyerkules at naapula ala una ng hapon kahapon.
Gayunman matapos ang anim na oras muling sumiklab ang sunog sa kabilang bahagi ng mall na naapula na rin, alas diyes kagabi.