Isang prayer service ang isinagawa sa Kampo Krame bilang paggunita sa ikatlong anibersaryo ng pagpatay sa Korean businessman na si Jee Ick Joo.
Ginanap ito sa parking area malapit sa Philippine National Police (PNP) press corps sa Kampo Krame kung saan sinasabing nangyari mismo ang krimen.
Gayunman ipinagbawal ang media coverage sa nabanggit na okasyon alinsunod na rin sa kahilingan ng pamilya na gawing pribado ito.
Magugunitang, batay sa imbestigasyon, dinukot si Jee sa kanyang bahay sa Angeles City Pampanga noong 2016 na may kaugnay sa umano’y anti-drug operations,
Sinasabing hiningan ng p5-M ransom ang pamilya ng negosyante sa South Korea subalit kalauna’y pinatay din ito sa loob ng kampo krame, saka dinala ang bangkay sa isang punerarya, sinunog at itinapon sa inidoro ang abo nito —ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9).