Ipinagtanggol ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ang napipintong pagtaas ng premium contributions ng mga Overseas Filipino Workers (OFW).
Sa panayam ng DWIZ, binigyang diin ni PhilHealth President Ricardo Morales na kailangang magtaas ng premium contributions kapalit ng mga benepisyo para sa bawat miyembro.
Yun naman sa requirements na kailangang magbayad ng premium bago umalis, e wino-workout na namin yung guidelines dyan kasi ayaw naman natin na magpabigat sating mga OFW.. Pero, proteksyon din yan sa kanilang mga pamilya na naiiwan dito,” —PhilHealth President Ricardo Morales
Ayon kay Morales, mahalaga ang kontribusyon ng mga PhilHealth members para sa implementasyon ng Universal Health Care law.
Pahayag pa ng opisyal, magkakaroon na ng primary healthcare worker o provider ang bawat mamamayan at awtomatikong magiging miyembro ng PhilHealth ang lahat ng mga Pilipino.
Tiniyak din ng PhilHealth president na nasa mabuting kamay ang pondo ng ahensya at hindi mawawalas sa ilalim ng kanyang pamamahala.
Importante kasi na maka-kolekta tayo para ma spread natin yung protection sa financial risk yung mga myembro.. otherwise, kung hindi sila covered, sila mismo ang magbabayad ng kanilang mga medical requirements.. Kaya kung maaari, magbayad po tayo ng premium para magkaroon ng proteksyon ang buong lipunan,” —dagdag pa ni Morales.