Muling nakaranas ng 4.9 magnitude na lindol ang bayan ng Tulunan, Cotabato, dakong ala-7;44 kagabi, Oktubre 19.
Naramdaman ang epicenter ng lindol sa silangang bahagi ng naturang bayan.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS, tectonic ang origin ng pagyanig at may lalim itong 29 km.
Naramadaman ang intensity III sa Kidapawan City at Malungon, Sarangani, Intensity 2 sa Koronadal City at Tupi, South Cotabato, habang intensity I sa General Santos City.
Ganap na alas- 3:23 ng hapon kahapon, niyanig din ng 4.1 magnitude na lindol ang bayan ng Tulunan.
Naitala ang naman intensity III sa Makilala, Cotabato at Magsaysay, Davao Del Sur habang intensity II sa lungsod ng Kidapawan.
Pahayag ng PHIVOLCS, ito na ang ika-620 aftershocks na naranasan sa Mindanao simula nang tumama ang magnitude 6.3 na lindol sa Tulunan, North Cotabato noong Miyerkules.