Kumpiyansa si Indian President Ram Nath Kovind na higit pang tatatag ang relasyon ng Pilipinas at India sa mga darating na panahon.
Sa speech ni Kovind sa Philippines-India Business Conclave sa Makati City, sinabi nito na pareho ang tinatahak na landas o direksyon ng dalawang bansa.
Malaki aniya ang potensyal ng ugnayan ng Pilipinas at India lalo na’t kapwa maituturing na fastest growing economies ang mga ito.
Giit ng Indian president, tulad nila, nag-iinvest din ang Pilipinas sa new technologies, innovation at startups.
Una nang nilagdaan nina Kovind at Pangulong Rodrigo Duterte ang nasa apat na bilateral agreements matapos ang kanilang naging pag-uusap noong Oct. 18.