Nanindigan si retired General Edilberto Adan, Presidente ng Association of Generals and Flag Officers o AGFO na hindi nagbago ang kanilang posisyon hinggil sa Bangsamoro Basic Law (BBL).
Ito ay matapos lumabas ang report na bumaliktad na ang AGFO at sinusuportahan na nito ang BBL.
Iginiit ni Adan na bagamat suportado nila ang peace talks sa pagitan ng pamahalaan at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF), hindi pa din nila tinatanggap ang kasalukuyang bersyon ng BBL na binalangkas ng pamahalaan at ng MILF dahil sa hindi ito ayon sa Saligang Batas.
“We support the continuing search for peace, maliwanag sa amin lahat ‘yun sa ating lahat, we all want peace, but our position is that the terms of agreement and the BBL are not the vehicles to that.” Pahayag ni Adan.
By Katrina Valle | Karambola