Nailigtas ng Bureau of Immigration ang 17 hinihinalang biktima ng human trafficiking sa MCIA o Mactan – Cebu International Airport.
Ayon sa Immigration, naharang ang mga biktima bago makasakay ng eroplano patungong Hongkong at Macau saka muling lilipad paputang United Arab Emirates at Qatar.
Ayon kay B.I Port Operations Division Chief Grifton Medina, iligal na ni-recruit ang mga biktima ng isang sindikato para magtrabaho bilang household service workers sa Middle East.
Aniya, sinadyang i-book ang mga biktima sa iba’t ibang flights para malinlang ang mga kawani ng Immigration sa tunay na pakay ng kanilang biyahe.
Agad namang itinurn over sa kustodiya ng MCIA Inter-Agency Council Against Trafficking ang mga bikitima para sa karagdagang imbestigasyon at pagbibigay ng ayuda.