Maikukunsiderang “dead on arrival” sa Senado ang panukalang palawigin ng dalawang taon ang kasalukuyang anim na buwang probationary period ng mga manggagawa.
Ito ang tiniyak ni dating labor secretary at ngayo’y Minority Floor Leader Franklin Drilon, oras na ipasa na ito ng Kamara de Representates sa kanila.
Ayon kay Drilon, hindi makatuwiran at makatarungan para sa mga manggagawa ang isinusulong na panukala ni Probinsiyano Ako Partylist Representative Jose Singson Jr.
Una nang tinututulan ni Senate President Vicente Sotto ang nabanggit na panukala dahil sa loob ng isa hanggang dalawang buwan ay maaari na aniyang matukoy kung maaaring gawing regular o hindi ang isang bagong pasok na empleyado. — ulat mula kay Cely Ortega- Bueno (Patrol 19)