Bumaba ang bilang ng mga pamilyang Pilipino na itinuturing ang kanilang mga sarili na mahirap sa ikatlong bahagi ng taon.
Batay ito sa resulta ng survey ng Social Weather Stations o SWS kung saan lumabas na 42 percent o tinatayang 10.3 milyon na mga pamilyang Pilipino ang ikinukunsidera ang kanilang mga sarili bilang mahirap.
Mas mababa ito ng tatlong puntos sa naitalang 45 percent o nasa 11 million na pamilya noong June 2019 at anim na puntos mula sa 48 percent noong nakaraang taon.
Sa kapareho ding survey, lumabas na 29 percent o tinatayang 7.1 million na pamilya ang nagsabing sa kanilang palagay ay mahirap ang kanilang pagkain o tinatawag na “Food poor”.
Mas mababa naman ito ng anim na puntos mula sa 35 percent o nasa 8.5 million na pamilya noong Hunyo ng kasalukuyang taon.
Isinagawa ng SWS ang survey mula September 27 hanggang September 30 sa may 1,800 mga adult respondents sa buong bansa.