Tumulak na patungong Japan na si Pangulong Rodrigo Duterte para dumalo sa enthronement ceremony o pag-upo sa puwesto ni Emperor Naruhito.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, kaunti lamang ang bilang ng kasama sa delegasyon ng pangulo sa Japan.
Sinabi ni Panelo, bilang isa ang Japan sa mga mahahalagang partner country ng Pilipinas, naniniwala si Pangulong Duterte na nararapat lamang na dumalo siya sa enthronement ceremony ng kanilang emperor bilang pagbibigay pugay.
Lalo na’t anito, itinuturing ng mga Japanese ang seremonya bilang isa sa mga pinakamahahalagang okasyon sa kanilang bansa.
Maliban pa sa nabanggit na aktibidad, inaasahang makakapulong din ng pangulo si Japanese Prime Minister Shinzo Abe at dadalo rin sa inihandang banquet para sa okasyon.