Umupa umano ang isang mambabatas sa Bangladesh ng kanyang mga “look alike” para kumuha ng mga exams nito sa isang unibersidad.
Ayon sa news agency na Agence France Presse, nasa 13 pagsusulit ang kinuha ng kamukha ng mambabatas na si Tamanna Nusrat.
Sa kasalukuyan ay kumukuha ng kursong Bachelor of Arts sa Bangladesh Open University ngunit nang mapatunayan ang balita ay agad sinibak sa unibersidad si Nusrat.
Ayon kay MA Mannan, isa sa mga opisyal ng unibersidad, na kinansela na nila ang enrollment ng mamababatas at hindi na kailanman ito makakapasok sa kanila.
Sa ngayon ay wala pang pahayag si Nusrat tungkol dito.